Thursday, February 19, 2015

Quotes from "That Thing Called Tadhana"


(Photo credit belongs to owner)



“Alam mo yung sinasabi nila na kung kayo, kayo talaga? Kung kayo, babalik sya sayo. Tangina! Nakakagago yun eh! Ano yun? Iaasa ko na lang sa hangin? Sa tadhana? Sa isang bagay na hindi ko nakikita yung future nyo ng taong mahal na mahal mo?” – Mace


(Mace’s Version)
“Para sakin kung mahal mo, habulin mo, dapat ipaglaban mo yun. Wag mong hintayin na may magtulak sa kanya pabalik sayo. Hatakin mo hangga’t kaya mo. Wag kang susuko. Wag kang bibitaw. Sorry. Mahal ko eh.” – Mace


“Kung hindi ka na nya mahal, hindi ka na nya mahal.” – Mace


Hindi na kita mahal. Makakaalis ka na. 7 words. Yung 8 years namin, nagawa nyang tapusin sa 7 words.” – Mace


“Hindi ka na nya mahal. Yun na yun. Ano pang di malinaw dun?” – Anthony
“Sabihin naman nya sakin kung bakit. Ipaliwanag naman nya kung ano yung nagawa ko. Ano ba yung nagawa ko?” – Mace
“ Kung sinabi ba nya sayo kung bakit, may magbabago ba? Bottomline: hindi ka na nya mahal.” – Anthony


“Pano ba makalimot?” – Mace
“… Gano katagal yun?” – Mace
“…Importante pa ba yun? Ang mahalaga nakalimutan.” – Anthony


“Ikaw naman yung bahala dyan. Nasa sayo yan. Pwede kang uminom gabi-gabi. Pwede kang umiyak gabi-gabi. Makipag-date kung kani-kanino. Makipag-sex sa kung sino-sinong lalaki. Ikaw…O pwede ka ring makahanap ng new love.” – Anthony


“There are all kinds of love in this world. But never the same love twice.” – F. Scott Fitzgerald.


“Pag nagkakapera ka, diba parang gusto mo na lang gumawa ng pera? Tapos mare-realize mo…Eh, 8 years na pala.” – Anthony


“Aren’t we supposed to be great by this time?” – Mace


“To the great people we could have been.” – Mace
“Parang ayaw ko naman yatang mag-cheers dyan.” – Anthony
“To the great people we are today.” – Mace
“Sinungaling.” – Anthony
“To the great people we will be?” – Mace
“To the great people we will be.” – Anthony


“Alam mo sa totoo lang ikaw napanaginipan din kita eh. Pero medyo corny. Nasa Session Road tayo naglalakad.” – Anthony
“Oh talaga? Tapos?” – Mace
“Yun lang. Walang bungee jumping, bilang-bilang, bitaw-bitaw, wala. Marami lang tao tapos naglalakad lang tayo sa Session Road.” – Anthony


“Makaka-recover pa ba ko?" – Mace
“Makaka-recover ka.” – Anthony
“Sure na sure ka dyan ah.” – Mace
“ Alam mo kasi yung pagmamahal na ganyan, yung love na pinapakita mo kung gano ka-overwhelming, parang imposibleng walang puntahan. Babalik at mababalik yun sayo, not necessarily sa taong pinagbibigyan mo. Pero sigurado ko babalik sayo yun.” – Anthony


“Tulad nga nung sabi ni John Lloyd, ‘Kaya tayo iniiwan nung mga taong mahal natin kasi may paparating na bago  na magmamahal satin at magpapa-realize satin kung bakit naging mali yung dati, magpapa-realize din satin kung pano tayo dapat mahalin.’” – Anthony


“…Dun ko sinigaw lahat. Lahat ng galit ko. Lahat ng sakit. Lahat ng gusto kong sabihin sa kanya na di ko nasabi. Lahat. Pero hindi nawala lahat ng sakit pero at least nabawasan.” – Anthony


“Ang wish ko...na sana hindi ko na sya mahalin.” – Mace


“Nandyan pa ba yung shooting star? Kasi kung nandyan pa sya, gusto kong mag-thank you sa kanya kasi hindi ako nag-iisa. Malungkot lang ako pero hindi ako mag-isa ngayon.” – Mace


“Nung umabot tayo sa dulo ng Session Road, anong nangyari sa panaginip mo?” – Mace
“Hindi ko na naabutan yun eh. Nagising na ko. Pero kung dudugtungan ko yun…tumingin ka sakin dahan-dahan, tapos sinabi mong, ‘Kakalimutan ko na sya.’” – Anthony
“Kakalimutan ko na sya.” - Mace


(Anthony’s version)
“Sabi mo nga, bakit mo ipapaubaya sa hangin, sa tadhana, sa isang bagay na hindi mo naman nakikita… na kung mahal mo, habulin mo, wag mo hintayin na may magtulak sa kanya pabalik sayo. Hatakin mo. Hanggang kaya mo wag kang bibitaw. Eh sorry. Mahal kita eh.” – Anthony

No comments:

Post a Comment